Wednesday, February 25, 2009

Nakaka-BAD TRIP Talaga

Nakakainis naman bakit ngayon pa
Itong puso ko sayo'y nahalina
Pilit pinipigil upang huwag madala
Nakaka bad trip talaga sa tuwing naiisip ka....

Hindi naman sa naiinis ako sa tuwing na-aalala ka
Kundi sa sarili ko na para bang tanga
Na kapag andyan ka ako ay laging deadma
Ngunit kung wala ka na hinahanap ka

Bakit di maamin sa sarili na sayo'y nahuhulog na
Sa tanghali,sa gabi at umaga naiisip ka
Ano ba itong nararamdaman bat di ko maintindihan
Pambihirang buhay to..!Nakaka-BAD TRIP Talaga

Ngunit sa gitara ko ikaw ay aking dadalhin
ang iyong kanta'y aking tutugtugin
Sintonado man ang tono ngunit ito'y pinaghirapan ko
Makaalay lang ng kanta...iyon ay sapat na..

By:Evan,L.

No comments:

Post a Comment